Issuances

  • Executive Orders
  • Memo Circulars
  • Office Memo

 

  •  

Business & Industries

  • Investment Opportunities
  • How to start business
  • Cost of doing busines
  • Investment & Incentive Code
  • Revenue Code

CHED-12 naglaan nang scholarship slots sa Mlang

MLANG, North Cotabato—(Feb. 26)-NAGSAGAWA nang scholarship orientation ang Commission on Higher Education (CHED) para sa mga magsisipagtapos ngayong buwan nang Marso.

 

Mismong si Dr. Maximo Aljibe ang pinuno ng CHED regional office 12 ang nagtungo sa baying ito nitong Huwebes nang nakalipas na lingo dala ang magandang balita sa mga graduating high school students.

 

Masayang ibinalita ni Dr. Aljibe kay Mayor Joselito Pinol na mayroong 5000 slots para sa scholarship program na inilaan ang CHED sa mga mahihirap at pursigedong makapagtapos ng kurso sa kolehiyo.

Sa ilalim nang programa sasagutin ng CHED ang tuition fees nang mga qualified scholars na kukuha nang 4-year courses.

 

Malayang makapili ng kolehiyo kung saan nais mag aral ang isang kuwalipikadong scholars. Pinasalamatan naman ni Mayor Pinol ang CHED na nagtiwala sa kanyang pamunuan at nagbigay nang libu-libong slots para sa mga magsisispagtapos na mga high school students sa kanyang bayan.

 

Ani Mayor Pinol, sagot ito sa kanyang programa kung saan libreng makapag aral sa kolehiyo ang mga mag aaral mula sa Mlang sa tulong ng mga ahensiyang naglagak ng pondo gaya ng CHED kabilang na ang TESDA at ang lokal na pamahalaan.

 

Umapila si Pinol sa mga interesadong mga graduating students na kumuha nang application form sa kanyang tanggapan at kumpletuhin ang mga kakailanganing mga dokumento para sa nasabing scholarship program.

 

Kabiang sa mga kakailanganing mga dokumento ang high school report card, certificate of good moral at ang income tax returns nang mga magulang ng aplikante. Nilinaw ni Pinol na ang nasabing scholarship program ay inilaan lamang para sa mga mahihirap na mga mag aaral na walang kakayahan ang mga magulang na sila ay mapag aral sa kolehiyo. (Mlang Information Division)

Mlang Face book Page

 

 

Verse of the Day

Government Links

Bids and Awards Committee

 

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
Today: Sep 24, 2017

Website Support

Adobe Flash Player
Download to view the Interactive Flash Feature.

Downoload Acrobat Reader, a free program from Adobe, in order to read downloadable pdf files.

Mlang Hymn

Programs & Projects

  • Projects Implemented

in different Barangays

 

Others..

Events & Activites

  • Kawayanan Festival
  • Mlang Anniversary
  • Sports Festival
  • Others