Issuances

  • Executive Orders
  • Memo Circulars
  • Office Memo

 

  •  

Business & Industries

  • Investment Opportunities
  • How to start business
  • Cost of doing busines
  • Investment & Incentive Code
  • Revenue Code

Mayor Pinol nagpaabot ng pagbati sa mga nagsipagtapos

MLANG, North Cotabato—(March 30)—BINATI ni mayor Joselito Pinol ang mga magulang nang mga nagsisipagtapos sa ibat-ibang paaralan ng bayan kasabay ng paghamon sa mga ito na lalo pang pa-igtingin ang suporta sa kanilang mga anak sa pagpapatuloy nila sa kanilang pag aaral.

 

Maging ang mga nagtapos sa elementarya, high school at college ay binate din ng alkalde at tiniyak na magpapatuloy ang local na pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa kanila sa pamamagitan ng mga scholarship programs.

 

Ani Pinol sa ngayon mayroong 3000 scholarship grants ang Commission on Higher Education (CHED) Regional Office-12 na ibinigay sa bayan ng Mlang, liban pa sa mahigit 200 mga LGU scholars na nag-aaral sa ibat-ibang mga kolehiyo ng bayan.

 

“Hindi natutulog ang inyong local na pamahalaan para mahanapan ng pamamaraan ang pagpapabuti sa larangan ng edukasyon sa Mlang,” Ani Pinol.

 

Samantala, hinamon naman ng alkalde ang mga nagtapos sa kolehiyo na agad na maghanap ng trabaho para matulungan ang kanilang mga pamilya.

Nagbigay pa ng tips ang alakalde sa mga nais mag apply ng trabaho. Ayon kay Pinol, dapat na presentable ang pananamit, maayos ang pagkagawa nang application letter at higit sa lahat hindi dapat namimili ng trabaho.

 

Pero kung talaga daw mailap ang trabaho sa mga fresh graduates, payo ni Pinol mag negosyo upang kahit sa ganyang paraan ay may kita sa araw-araw.

 

“Huwag ninyong ikahiya ang pagnenegosyo at least kahit papano may kita kayo sa bawat araw na maaring mapalago ninyo. Anong malay ninyo sa maliit na negosyong yan diyan kayo aasenso,” Payo ni Pinol.

 

At sa mga papalarin naman na agad na makahanap ng trabaho na may magandang suweldo, payo ni Pinol mag ipon para sa kinabukasan dahil kapag may isinuksok may madali raw madukot sa oras ng pangangailangan.

 

“Nagsimula ang malaki sa maliit Kaya doon ninyo simulan ang mga pangarap ninyo sa buhay. Malay natin sa mga darating na araw isa na kayo sa mga tinitingala at may sinasabi sa ating lipunan,” Dagdag pa ng alkalde. (Mlang Information Office/March 30)

Mlang Face book Page

 

 

Verse of the Day

Government Links

Bids and Awards Committee

 

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
Today: Sep 24, 2017

Website Support

Adobe Flash Player
Download to view the Interactive Flash Feature.

Downoload Acrobat Reader, a free program from Adobe, in order to read downloadable pdf files.

Mlang Hymn

Programs & Projects

  • Projects Implemented

in different Barangays

 

Others..

Events & Activites

  • Kawayanan Festival
  • Mlang Anniversary
  • Sports Festival
  • Others