Maya't-mayang pag inom ng tubig ng mga mag aaral ipinanukala sa Mlang

MLANG, North Cotabato—IPINANUKALA nang isang lokal na opisyal sa bayan ng Mlang ang maya’t-mayang pagpapainom ng tubig sa lahat ng mga mag-aaral habang nasa loob sila nang paaralan sa buong araw.

 

Ayon kay Municipal councilor Gerardo Pinol ang chairman ng komite ng agrikultura dapat na uminon ng isang baso ng tubig ang mga mag aaral pagkatapos ng kanilang bawat subject.

 

Sa pamamagitan anya ng kanyang panukala ay maaabot ng bawat mag aaral ang daily required na walong baso ng tubig na kailangang inumin sa loob ng maghapon.

 

Dagdag pa ni councilor Pinol na kaya niya naisip na magpasa sa konseho ng ganitong panukala, kasunod nang pagtaas ng renal problem sa bayan ng Mlang.

 

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga guro sa panukala ni Pinol. Maging ang mga magulang ay suportado din ang naturang hakbang.

Malaking tulong daw ang panukala sa kanilang mga anak upang ugaliin nila ang pag inom ng tubig at  maging aktibo sa kanilang pag aaral.

 

Ang pag inom ng tubig ng mga mag-aaral ay maaring gawin, bago o kaya ay pagkatapos ng kanilang asignatura.###