Issuances

  • Executive Orders
  • Memo Circulars
  • Office Memo

 

  •  

Business & Industries

  • Investment Opportunities
  • How to start business
  • Cost of doing busines
  • Investment & Incentive Code
  • Revenue Code

Pagbaha sa mga mabababang lugar sa Mlang, pinaghahandaan

MLANG, North Cotabato—TODO paghahanda na ang mga low-lying barangay sa bayan ng Mlang ngayong pormal nang nagsimula ang tag-ulan.

 

Sa datus ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council (MDRRMC) aabot sa 13 sa 37 mga barangay ng bayan ang pinangangambahang bahain sakaling umapaw ang mga ilog na nakapalibot sa mga ito.

 

Kaugnay nito, inatasan na ni Mayor Joselito Pinol ang mga punong barangay nang nasabing mga lugar ang ibayong paghahanda sakaling manalasa ang mga pagbaha sa kanilang mga nasasakupan.

 

Binuo narin ang Barangay Disaster Risk and Reduction Management Council (BDRRMC) upang tiyakin na nakahanda ang kanilang mga lugar sa anumang mga kalamidad na darating bunsod ng pabago-bagong lagay ng panahon.

 

Namigay na rin ng two-way radios ang lokal na pamahalaan ng Mlang sa lahat ng punong barangay na magsisilbing daan ng komunikasyon kung may isasagawang agarang rescue operation.

 

Umapila din si Mayor Pinol sa mga residente ng Mlang lalo na sa mga naninirahan malapit sa mga riverbanks na maging mapagmatyag at agad na lisanin ang kanilang mga tirahan sakaling makaramdam nang  panganib.

 

Handa narin ang mga kakailanganing kagamitan ng munisipyo kabilang ang motorboat kung magkakaroon ng pagtaas ng tubig saan mang panig ng bayan.###

Mlang Face book Page

 

 LGU Profile

 

LGPMS

 

Verse of the Day

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
Today: Nov 17, 2017

Website Support

Adobe Flash Player
Download to view the Interactive Flash Feature.

Downoload Acrobat Reader, a free program from Adobe, in order to read downloadable pdf files.

Mlang Hymn

Programs & Projects

  • Projects Implemented

in different Barangays

 

Others..

Events & Activites

  • Kawayanan Festival
  • Mlang Anniversary
  • Sports Festival
  • Others