Issuances

  • Executive Orders
  • Memo Circulars
  • Office Memo

 

  •  

Business & Industries

  • Investment Opportunities
  • How to start business
  • Cost of doing busines
  • Investment & Incentive Code
  • Revenue Code

OSY sa Mlang sumailalim sa bamboo craft production training

MLANG, North Cotabato--DALAWAMPU’T-anim na mga out of school youth mula sa ibat-ibang barangay ng Mlang ang matagumpay na nagtapos sa tatlong araw na bamboo craft production training nitong araw ng Biyernes.

 

Sila ang unang batch ng mga kabataan na naging beneficiaries ng programa sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng Department of Labor and Employment o DOLE.

 

Matapos ang training, bihasa na ang mga kabataang ito sa pag gawa ng lampshades na gawa sa kawayan.

 

Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa tulong ng DOLE na nagkaloob ng P592, 000 na pondo para mapalago ang bamboo craft industry sa bayan ng Mlang.

 

Ayon kay Mlang Mayor Joselito Pinol, makakatulong ang nasabing programa para magkaroon ng kita ang mga kabataang dati ay laman ng kalsada at pinalilipas ang maghapon nang wala man lamang nagawa upang kumita ng pera.

Sa ilalim ng programa, gagawa ng bamboo lampshades at drift wood products ang mga bata. Kikita sila nang mula P200 hanggang sa P500 kada araw, dependi sa dami ng kanilang magawang finished products.

 

Sa ngayon, may mga orders na nang bamboo lampshades ang mga hotels sa Boracay.

 

Maging ang mga taga Mlang na naninirahan na ngayon sa Estados Unidos ay omorder narin ng mga produktong gawa sa bayan ng Mlang.

 

Si Ramil Malones, sa murang edad ay naging embalsamador, pero kalaunan ay huminto dahil sa nagkaroon siya nang karamdaman.

 

Isa siya sa mga masuwering napili na beneficiary ng programa at ayon sa kanya, ikinararangal niya ang ganitong trabaho.

 

Maliban daw kasi sa may siguradong kita, mahahasa pa nito ang kanyang kaalaman sa paggawa ng mga dekorasyong pang export at mula pa sa kanyang baying sinilangan na Mlang.

 

Maliban sa kita, magkakaroon din sila ng dividend shares sa kanilang kapital pagsapit ng Disyembre.

Mlang Face book Page

 

 

Verse of the Day

Government Links

Bids and Awards Committee

 

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
Today: Sep 24, 2017

Website Support

Adobe Flash Player
Download to view the Interactive Flash Feature.

Downoload Acrobat Reader, a free program from Adobe, in order to read downloadable pdf files.

Mlang Hymn

Programs & Projects

  • Projects Implemented

in different Barangays

 

Others..

Events & Activites

  • Kawayanan Festival
  • Mlang Anniversary
  • Sports Festival
  • Others