Issuances

  • Executive Orders
  • Memo Circulars
  • Office Memo

 

  •  

Business & Industries

  • Investment Opportunities
  • How to start business
  • Cost of doing busines
  • Investment & Incentive Code
  • Revenue Code

Mga buntis nakiisa sa "buntis day sa Mlang

MLANG, North Cotabato—DAAN-daang mga buntis mula sa ibat-ibang barangay sa baying ito ang nakiisa sa isinagawang “buntis day” na inorganisa nang Municipal Health Office (MHO) nitong araw ng Huwebes.

 

Ayon kay Dr. Glecerio Sotea, MD ang health officer ng Mlang na layon ng nasabing aktibidad na magabayan ang mga buntis sa tamang pangangalaga ng kanilang mga sarili hanggang sa mailuwal nila ang kanilang mga supling.

 

Ani Sotea, mahalaga na maayos ang pangangatawan ng isang buntis habang pinaghahandaan nito ang panganganak.

 

Dagdag pa ng doctor, isinagawa ang nasabing pagtitipon upang ituro sa mga buntis ang tamang pagkain at ehersisyo para mapanatili ang magandang kalusugan ng sanggol habang nasa sinapupunan pa nang ina.

Kabilang sa buong araw na aktibidad ang information and education campaign higgil sa panganganak sa mga lying-in centers; libreng laboratory work up katulad ng hemoglobin determination at urinalysis, libreng family planning services, tulad ng bilateral tubal ligation, IUD, depo at pagbibigay ng pills.

Magkakaroon din ng libreng papsmear at mga supplements.

Pinasalamatan naman ni Dr. Sotea ang Lokal na pamahalaan ng Mlang dahil sa siento-porsiyentong suporta nito hinggil sa pangangalaga ng mga buntis.

Umaasa si Sotea na sa pamamagitan nang aktibidad makakamit ng bayan ng Mlang ang zero maternal deaths partikular sa mga buntis.

Mahigit isang dosenang mga lying inns na ang naipatayo sa ibat-ibang barangay ng bayan sa tulong ng Department of Health at nang LGU Mlang.###

 

 

Mlang Face book Page

 

 

Verse of the Day

Government Links

Bids and Awards Committee

 

 

Visitors Counter

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
Today: Sep 24, 2017

Website Support

Adobe Flash Player
Download to view the Interactive Flash Feature.

Downoload Acrobat Reader, a free program from Adobe, in order to read downloadable pdf files.

Mlang Hymn

Programs & Projects

  • Projects Implemented

in different Barangays

 

Others..

Events & Activites

  • Kawayanan Festival
  • Mlang Anniversary
  • Sports Festival
  • Others