previous arrow
next arrow
Slider

Kakaibang land formation atraksiyon sa gilid ng highway sa Mlang, Cotabato

Photo of rock formation at New Rizal Mlang, North Cotabato

By: Williamor Magbanua

 

ATRAKSIYON sa bayan ng Mlang, Cotabato ang isang land formation na mistulang isang mini grand canyon na kahalintulad nang nasa Arizona, sa Amerika.

 

Matatagpuan sa Barangay New Rizal ang nasabing tanawin at nasa gilid lamang ng Mlang-Makilala highway.

 

Kamangha-mangha ang tanawing ito dahil sa kusang nabuo ang mga desenyo ng lupa dahil sa tubig na umaagos dito kapag umuulan.

 

Kaya ang mga dumaraang mga commuters hindi mapigilan na mapalingon sa tuwing mapadako ang kanilang sinasakyan sa nabangit na lugar.

 

May ilang mga commuters pa nga na kusang bumababa at nagpapakuha ng larawan sa pambihirang land formation na ito.

May mga dumarayo ding bisita na mula sa mga kalapit na mga bayan ng Tulunan at Makilala at maging mula sa Kidapawan City.

Naging tanyag din nga ang lugar sa mga nais magpapakasal dahil sa maraming beses ay ginamit ito bilang location ng prenup shots.

 

 

 

 

Ikinokonsidera na nga ito ng bayan ng Mlang na isa sa kanilang mga local tourist attractions dahil dinadayo ito ng mga bisita, simula nang madiskubre dalawang dekada na ang nakakalipas.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

99 − = 92