previous arrow
next arrow
Slider

Mag aaral sa bayan ng Mlang sasabak sa larong tennis sa bansang Australia

Tennielle Bedua Madis

 

By: Willamor Magbanua

PASOK bilang miyembro ng Philippine Team na maglalaro sa International Tennis Federation, Junior tournament ang isang mag aaral na taga Mlang, Cotabato.

 

Ayon kay Vice Mayor Joselito Pinol, nag qualify upang maglaro sa bansang Australia si Tennielle  Bedua Madis, mag aaral ng Southern Baptist College, sa darating na March 22-27.

 

Si Madis, na labingdawang taong gulang lang, ang isa sa tatlong pinaka batang manlalaro na kabilang sa Philippine Team.

 

Matatandaang nitong 2019, isa din si Madis, sa mga naglaro sa under 12 girl’s division sa South East Asia finals sa bansang Kazakhstan, kung saan nagtapos ang kanilang grupo sa top 6, mula sa labingdalawang mga bans ana sumabak sa torneo.

Bago ang kumpetisyon nito sa international scene, namamayagpag na si Madis, dahil nasungkit din nito ang gintong medalya sa larangan ng tennis sa Palarong Pambansa.

 

Pinuri ni Vice Mayor Pinol ang suporta na ibinibigay ng mga magulang ng bata, mula nang kakakitaan ito ng hilig sa paglalaro nhg tennis.

 

Hindi na dadaan pa sa qualifying match ang bata, dahil sa nanalo na ito sa South East Asia at nasa panglimang puwesto siya sa World records, kaya pasok na ito para sa junior tournament sa Australia.

 

Itinuturing naman ni Vice Mayor Pinol na isang karangalan para sa bayan ng MLang ang pagkakaroon ng world class na manlalaro.

 

Ayon sa bise alkalde, magsisilbing halimbawa si Madis sa iba pang mga nagnanais na maging kampyon at nangangarap din na makapag laro hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Hinimok ni Pinol ang mga nais na makilala sa ibat-ibang larangay ng palaro na mag insayo nang ma-igi, dahil mayroong pamahalaan na nakahandang suporta at umalalay sa kanila, sa oras na kakailanganin nila ang ayuda.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

35 − = 25