Bayan ng Mlang, measles at polio free parin

Municipal Health Officer Dr. Glecerio “Jun” Sotea

By: Willamor Magbanua

Bayan ng Mlang, measles at polio free parin

LABING-TATLONG  taon  nang  zero case sa measles at polio ang bayan ng Mlang, sa kabila nang outbreak ng naturang mga sakit sa ibang panig ng bansa.

Kinumpirma ito ni Municipal Health Officer Dr. Glecerio “Jun” Sotea, sa weekly radio program ng bayan na Abyan sa Kalambuan sa Banwa sang Mlang.

Ayon kay Dr. Sotea, ang tagumpay na ito ay dahil sa suporta ng LGU sa mga health programs na sinimulang iimplementa nitong taong 2007.

Maliban sa pondo mula sa Department of Health, may pondo ding inilaan ang lokal na pamahalaan para ipambili ng mga bakuna kontra measles at polio.

Pinasalamatan ni Dr. Sotea, ang suporta ni Mayor Russel Abonado at Vice Mayor Joselito Pinol, dahil sa tulong nila ay maayos na naipapatupad ang lahat ng mga serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Mlang.

Malaking tulong din ayon pa kay Sotea ang pakikiisa ng mga barangay officials na naglaan din ng bahagi ng kanilang  taunang pondo para sa bananggit na programa.

Sa kasalukuyan, taget ng RHU-Mlang na mabigyan ng bakuna kontra polio ang may 8000 mga batang edad mula zero hanggang limampumpu’t-siyam na buwang gulang.

Sa katunayan, handa na ang mga health workers para sa ikalawang rounds ng “patak kontra polio” na sisimulan sa January 20 at tatagal hanggang sa February 2. (Mlang LGU News and Information Bureau)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

− 3 = 4

Recent Posts