2,000 Magsasaka Nakatanggap ng Binhi at Abono mula sa Probinsya
Amas, Kidapawan City (Oct 24, 2020) 2,161 magsasaka ng palay nakatanggap ng binhi ng palay at mais at abono mula sa Pamahalaang Panlalawigan kahapon. 1, 976 ang mula sa bayan ng Mlang at 185 naman ang mula sa Makilala. Ang program ay bahagi ng Rice and Corn Seeds and Fertilizer Assistance program ni Governor Nancy Catamco.
Labis na nagpasalamat ang opisyales ng lokal na pamahalaan ng Mlang at Makilala sa programa ng Gobernador. Sinabi ni Mlang Mayor Russel Abonado na ito makatutulong ng malaki dahil nahaharap sa problema ang magsasaka, ang mababang buying price ng palay at ang pagbaha dahil sa madalas na pag-ulan.
Bawat magsasaka ay nakatanggap ng isang sako ng binhi at dalawang sako ng abono.
Dumalo rin sa distribusyon si VIce Mayor Lito Piñol at mga kawani ng LGU. Sa bayan ng Makilala si Municipal Agriculturist Cheryl Eusala ang naging representante ni Mayor Armando Quibod.