Business permit at renewal ng tricycle franchise sinimulan na sa Mlang, Cotabato
NAGSIMULA na ngayong araw, January 6, 2020 ang One-Stop-Shop, Business Permit Renewal sa bayan ng Mlang, Cotabato.
Mismong si Mayor Russel Abonado at Vice Mayor Joselito Pinol ang nagbukas ng labinglimang araw na pag proseso ng renewal ng business permits, maging ng mga nag aapply ng bagong prankisa ng mga tricycles.
Kailangan munang mag fill up ng application for renewal.
Matapos nito sasailalim sa assessment at magbayad ng mga kaukulang fees sa Treasurerâs office ang aplikante.
Tumatagal lang ng kalahating araw ang proseso at agad na mai-release ang business permit at renewal nito.
Hinimok naman ni Mayor Abonado ang mga negosyante sa bayan na magpa renew ng kanilang mga business permit upang makaiwas sa aberya.
Sa pamamagitan anya nito ay magiging legal ang anumang negosyo at makaiwas sa penalidad at posibleng pagpapasara sa hinaharap.
Nilinaw naman ni Vice Mayor Pinol na ang mga bagong mga aplikante sa prankisa sa tricycle ay sasailaim pa sa hearing ng Sangguniang Bayan, para aprubahan.
Photos: Williamor A. Magbanua/ Mlang Tourism and Information Divisions